Litratong Pinoy : Lakad

Sa tuwing aalis kami, sa halip na lumakad, hilig ng anak ko ang magpakarga. Pero naman pag naisipang lumakad, asahan mo ayaw nyang magpapahawak. Mas gusto nya ang maglakad ng mag-isa. Dahil dito, nakatuwaan ko ng kunan sya ng litrato sa tuwing sya ay maglalakad ng mag-isa na animo’y matanda na at kaya na ang sarili nya.

Ang unang larawan sa itaas ay kuha sa India noong huli kaming bumisita doon.

Ito namang pangalawa ay kuha sa walkway palabas ng SBMA (Aura Gate) pagkatapos ng kanilang klase ng Biyernes, kung saan sila ay nakauniporme ng pang-PE.

Ito naman ang kuha noong kami ay pumasyal sa Ocean Adventure.

Aba! Hindi sya nag-iisa dito! Huwag kayong magulat, ito ay may pahintulot ng mga magulang hahaha! Siya ang “buddy” ng aking anak magmula noong pasukan pa ng summer.


....................................................................................................................





15 Responses to “Litratong Pinoy : Lakad”

  1. Gravatar Icon 1 emarene

    cute naman! at may pahintulot talaga ang last na litrato ha?

    emarene’s last blog post..Lakad

  2. Gravatar Icon 2 Nortehanon

    Nakakatuwa naman kasi isa sa mga hilig kong kunan na subject kapag hawak ko ang camera ay iyong mga nakatalikod ;)

    Nakakatuwa talaga ang mga bata kapag minsan pakiramdam nila ay independent na sila. They are proud of themselves for being able to do something on their own.

    Happy LP po!

    Nortehanon’s last blog post..LP6: Lakad

  3. Gravatar Icon 3 shie

    nakakatuwa yung anak mo, seryoso sa paglalakad at talagang pinagmasdan sya ng mga indians :)

    salamat sa komento sa aking lahok!

    Magandang Huwebes :)
    shie’s last blog post..LP : LAKAD

  4. Gravatar Icon 4 luna miranda

    ay, may ka-holding-hands na!:P

    cute ng mga litratong ito…parang ang bigat ng bag n’ya pero mukhang independent talaga.

    luna miranda’s last blog post..Walk of life [lakad ng buhay] - Litratong Pinoy

  5. Gravatar Icon 5 an2nette

    ang cute naman ng iyong anak habang naglalakad, yung last picture cute din with her buddy, hapi LP

    an2nette’s last blog post..LP - Lakad

  6. Gravatar Icon 6 upto6only

    mahilig nga magpakarga minsan ang mga bata. at tama ka pag naglakad naman hindi mo maawat. hahabulin mo pa sila.

    Happ LP

    upto6only’s last blog post..LP: Lakad

  7. Gravatar Icon 7 Sassy Mom

    Ang cute naman tingnan ng batang parang independent na. I love the second and third photos.

    Sassy Mom’s last blog post..Strolling along Singapore

  8. Gravatar Icon 8 Dinah

    ha ha, ang mga bata talaga, ano. akala mo kaya na nila talaga. pero yun nga lang ang puede natin gawin, ang umalalay sa bawat lakad nila :-)
    magandang huwebes k-lp!

    Dinah’s last blog post..Diorama of the Martyrdom of Dr. Jose Rizal

  9. Gravatar Icon 9 Mauie

    Aba, may ka-holding hands na! Ang laki naman ng bag niya preschool pa lang.

    Eto naman ang lakad namin nitong nakaraang long weekend:

    http://www.maureenflores.com/2009/09/litratong-pinoy-lakad-walk.html

    Mauie’s last blog post..Litratong Pinoy: Lakad (Walk)

  10. Gravatar Icon 10 christina

    sipag naman po nya maglakad, ung ibang bata ngpapakarga pa.

    masayang araw po ka-LP

    http://prettystepdaughters.blogspot.com/2009/09/lp-73-lakad.html

    christina’s last blog post..LP 73: Lakad

  11. Gravatar Icon 11 yeye

    wow hhww hehehehe ;)

    eto naman po ung akin :D

    Lakad. Lakad :)

    HAPPY HUWEBEST KA-LP :D

  12. Gravatar Icon 12 Cookie

    ang cute ni deye..in fairness..kahit likod nya ang cute din :) very likodgenic ika nga :)

  13. Gravatar Icon 13 iris

    salamat mitch sa pagcomment sa LP entry!

    ang dami mo palang kuha ng iyong anak. nakakatuwa talaga picturan ang mga bata :)
    iris’s last blog post..Sa mga pag-lakad ko… [lp]

  14. Gravatar Icon 14 Chairman Vanidosa

    Happy LP Huwebes! Napaka cute at nakakatuwa ang mga larawang kuha ng anak mo, ang sweet ng huling larawan…napa smile ako.

    Eto ang aking lahok, Kontrobersyal ito at malamang napanood mo ito sa balita kanina.

    http://vanidosa.blogspot.com/

    Chairman Vanidosa’s last blog post..LP 73 - Lakad

  15. Gravatar Icon 15 MAARTE

    Awww parang ako din wala ako ginawa kundi kunan pics mga anak ko hehehe

    MAARTE’s last blog post..Litratong Pinoy: LAKAD

Leave a Reply








Copyright © Etc Atbp


Powered by Wordpress | 3 K2 Redux Klee by Headsetoptions
Only the Managed Web Hosting theme by Web Hosts Seeq | Top

Special thanks to Panel Hoster and Ladybug for header elements


Linkshowoff Aeirin Collections pacquiao vs clottey live stream Contact Mitch Contact Mitch Contact Mitch